ANG SWERTE KO PA RIN

June 2, 2011- isa sa mga araw na hindi ko malilimutan. maraming bagay ang nangyari sa akin ngayon at siyempre marami rin akong natutunan. isa-isa kong isasalaysay lahat.
una, around 9am bad trip ako kasi sabi ni mama sakin kagabi uuwi kami bago mag lunch kasi may pupuntahan ako kaya pumayag akong dun kami matulog sa angono, rizal. i’m very disappointed nung sinabi ni mama na baka mga past 11am kami makauwi kasi very complicated daw ‘yung time niya.
pangalawa, medyo good mood na ko nito kaya nung inutusan ako ni mama na magbayad sa Avon at bumili sa bookstore payag agad ako kasi gusto ko na rin talaga makauwi at male-late ako sa pupuntahan ko
So eto na nga.. pabalik na ko ng school nun nang masakay ako sa isang lintik na tricycle driver. una tinanong tanong ako kung taga saan ako, kung bakit nandun ako sa angono. etc.. tapos biglang lumiko sa isang street sabi ko “ay kuya di po ako dito, sa school po ako” sabi niya may dadalhin lang daw siya sa asawa niya naiinis na ko kasi ang tagal naming nag paikot-ikot na mahahalata mo na talaga na hindi niya alam ung pupuntahan niya. eh di bumaba na siya nagkataong may aso ayon tinahulan ang loko! nagtaka ko kasi kung taga dun talaga siya hindi siya tatahulan ng aso at takot na takot siya eh. tas nung umandar na ulit biglang tumigil sa isang tabi sabay sabi “may pera ka ba?” sabi ko wala 10 pesos lang dala ko aba ang loko humirit pa ng cellphone na lang daw ibigay ko sa kanya. di ako nagsalita kasi halong gulat at nerbyos pakiramdam ko nun. pinatigil ko sabi ko bababa na ako ayon.
habang naglalakad na ako unti-unting tumulo luha ko na para bang anytime babagsak ako. buti na lang ung 2nd driver na nasakyan ko eh nagkataong tanod pala kaya kinuwento ko nangyari at siya pa mismo nag-report sa police station!

nagtataka sila kung bakit parang wala lang sakin nangyari na para bang hindi ako na-trauma. ito sagot ko: hindi ko naiko-consider na WALA lang un kasi my life was in danger that time! aaminin ko na-trauma din ako pero ayoko nang isipin pa at mag-drama sa isang tabi ‘coz it will only make the situation worse. ok na ako kasi hindi Niya ako pinabayaan na mapasama. sinamahan Niya ako at ginabayan noong mga panahong un. binigyan Niya ako ng daan para malagpasan un. at hindi pa man kami nakakauwi, kahit dii ko pa dinadasal, binigay na Niya agad! kasalukuyan ng nakakulong ang lalaking iyon na nagngangalang ryan barrameda lim-isang tricycle driver. so take care, be careful and always think that God is always with us
I LOVE GOD! I FEEL BLESSED RIGHT NOW πŸ™‚

Advertisements

5 thoughts on “ANG SWERTE KO PA RIN

    • yes He is! that’s why everyday i’m thanking Him πŸ™‚
      well thank you ingat din po ikaw! πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s